BIGKISAN SA PAMANTASAN:
Pangkalahatang Pagtatasa sa Akademikong Tunguhin ng Unibersidad ng Pilipinas
Ang All UP Academic Employees Union, sa pakikipagtulungan sa Opisina ng Faculty Regent, ay maglulunsad ng isang Academic Summit sa ika-24 ng Oktubre 2022 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon (may solidarity night hanggang 10:00 ng gabi), upang magnilay, magtasa, at magkaisa sa pang-akademikong tunguhin at pangkalahatang papel ng Unibersidad ng Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Ang Academic Summit ang magsisilbing rurok ng serye ng selebrasyon ng Academic Union Month sa buong UP System.
Naka-livestream din ang aktibidad sa Facebook page ng All U.P. Academic Employees Union.