
Paalam Aking Ina
Hanggang dito na muna mahal kong Nanay
Ang Birheng Maria po sa yo ay umaakay
Ang puso ko ay sasabog sa ating paghihiwalay
Ngunit sa isip ko ay mapayapa ka nang mahihimlay
Dahil gawa na sa langit ang iyong tahanan
Kapiling ng lalaking minahal na walang hanggan
Hayaan mong yakapin kita muli nang mahigpit
Bago tuluyan mga mata mo ay ipikit
Hayaan mong alayan kita ng paboritong awit
Na iyong baunin sa paglalakbay sa langit
Marami pong salamat mahal kong ina
Kulang ang aking buhay para masuklian ka
Sa lahat ng pag-aaruga mula ako ay bata pa
Sana ay nalaman mo na katangi tangi ka
Sa bunso mong manggagamot na nangungulila
Dr. Jonas Del Rosario, PGH spokesperson and COVID-19 survivor, composed this poem for his mother who died after battling the complications of COVID-19 on the Feast of the Nativity of the Virgin Mary. This was exactly a month after he lost his father from the same illness. All of them were admitted at the Philippine General Hospital.