Mula sa PNEI, UPCM-PGH Department of Otolaryngology Head and Neck Surgery at Philippine Newborn Hearing Screening Reference Center – NHSRC inaanyayahan namin kayong sumali sa pagdiriwang ng World Hearing Day, ngayong buwan ng Marso.
Ang tema sa taong ito ay “Pagbabago ng Ugaling
Pangkaisipan: Bigyang kapangyarihan ang iyong sarili
Gawin nating ang pangangalaga sa tainga at
pandinig na isang katotohanan para sa lahat!”
Marami sa atin alam kung ano ang normal na grado ng mata pero di alam kung ano ang normal na grado ng tenga o pandinig. Nais naming anyayahan ang lahat na alamin ang inyong antas/grado ng pandinig gamit ang isang mobile app. I-scan lamang ang QR code sa poster para magdownload ng app.
Ang malusog na pandinig ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay. Halina’t ipakita ang inyong suporta!