Inihahandog ng programang Araling Pangkaunlaran ang taunang Development Studies Research Colloquium na may temang “KRITIKAUSWAGAN: Development Research Praxis 2024.” Sa gaganaping kolokyum, ibabahagi ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ang kanilang nabuong pananaliksik.
Ang kolokyum ay gaganapin sa ika-7 ng Hunyo 2024 mula 9:00 nang umaga hanggang 12:00 nang tanghali sa Rizal Hall 303.
Ito ay bukas sa lahat ng nais matuto at magpalalim. Magkita-kita tayo sa Biyernes!