Hatid sa inyo ng Philippine Eye Research Institute, All UP Academic Employees Union Manila Chapter, at Center for Gender and Women Studies
Ikaw ba ay empleyado ng UP-PGH?
Nanlalabo na ba ang iyong paningin sa malapitan at hirap ng magbasa?
Ikaw ba ay edad 40 pataas?
Kung ganon, ikaw ay aming inaanyayahan sa SOJR para sa
LIBRENG READING GLASSES PARA SA MGA UP-PGH EMPLOYEES NA MAY EDAD NA 40 AT PATAAS bilang bahagi ng pagdiriwang ng Sight Saving Month 2023.
Ito ay gaganapin sa ika-30 ng Agosto 2023 | 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa
2nd floor Sentro Oftalmologico Jose Rizal, PGH Compound, Taft Avenue, Ermita, Manila.
Para sa mga interesado, makipag-ugnayan lamang sa Philippine Eye Research Institute, 5th Floor SOJR Building, o kaya naman ay tumawag sa 8524-7119/0995-867-8604 ay hanapin si Bb. Marion Abendanio.