Sa araw na ito, pararangalan ng Unibersidad ng Pilipinas Manila ang sampu sa mga kasapi ng komunidad nito dahil sa kanilang angking dangal at ipinamalas na husay, paglilingkod, at pagmamahal para sa ating pamantasan.
Sila ang mga modelo ng ating UP Manila, ang sampung nagwagi ng Gawad Tsanselor para sa iba’t ibang larangan ngayong taong ito.
Ngayong araw din na ito ay pasasalamatan ng Unibersidad ng Pilipinas Manila ang mga kasapi nitong naglilingkod na ng maraming taon para sa ating pamantasan. Dalawampu, tatlumpu, o apatnapung taon man ang lumipas, patuloy pa din ang alab ng kanilang paggawa at pagsisipag upang mapaglingkuran ang UP Manila.
Ang Unibersidad ng Pilipinas Manila ay nagbibigay-pugay sa mga magreretiro nitong kasapi, mga miyembro ng komunidad na naglaan ng napakaraming taon ng paglilingkod at pagmamahal sa pamantasan.
Maraming salamat po sa inyong mga taon na ginugol sa UP Manila, at maligayang paglalakbay sa bagong kabanata ng inyong mga buhay!